Fri | October 11, 2024, 1:04 pm
No. of Site Visitors: 15198416
LSPU-SC WAGI SA NAGDAANG IRConTECS

Anim na mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Siniloan Campus ang nag-uwi ng karangalan sa ikatlong International Research Conference on Technology, Culture and Society (IRConTECS) na ginanap noong ika-25 hanggang ika-27 ng Agosto ng taong kasalukuyan.

Naiuwi nila Jemuelle Sion, Remuel Barcelona at Chriss Jayart Angeles ang unang karangalan at ikatlong medalya naman ang nakamit nina Aldrin Ace Dimaranan, Roberto Madera Jr., at Kim Bryan Pasencia sa kategoryang Best Conference Research Paper ng naturang komperensiya sa ilalim ng gabay ni Dr. Francis Balahadia.

“Super happy kasi bigla ko naisip kanilang hapon sabi ko awarding sa conference hindi kami nakaatend kac nag paorientation ako sa mga MSIT-MIT”, pahayag ni Dr. Balahadia, adviser ng mga lumahok na estudyante.

Dagdag pa niya na hindi rin naka attend ng mismong awarding ceremony ang kanyang mga estudyante at dun nila nalaman na sila ay nagwagi at sinabing unexpectedang kanilang pagkapanalo.

Bilang adviser, aminado siya na nagkarooon ng alinlangan na wala silang maiuwi na medalya dahil sa magagandang papers at presentation ng kanilang mga nakasama.

“Sabi ko nga sa kanila ilaban na natin nandito naman ako para iguide kau at tiwala ako sa ginagawa nilang system kasi talaga sila ang gumawa at sabi din kaya nilang sagutin ang mga tanong sa Q&A at nagawa nila maayos during the actual presentation and Q&A”, ani niya.

Dagdag pa ni Balahadia, ilan sa kanyang mga maipapayo sa mga estudyante ng LSPU-SC na naggagawa ng kani-kanilang mga research paper upang maging maganda at maayos ang maging resulta ay ang pag alam sa interes ng pag-aaralan at pagbabasa kahit mga simpleng presentasyon.

Writer | Rhon Kenneth Bagamasbad

Layout | Merileth Moneda