Anim na mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Siniloan Campus ang nag-uwi ng karangalan sa ikatlong International Research Conference on Technology, Culture and Society (IRConTECS) na ginanap noong ika-25 hanggang ika-27 ng Agosto ng taong kasalukuyan. Naiuwi nila Jemuelle Sion, Remuel Barcelona at Chriss Jayart Angeles ang unang karangalan at ikatlong medalya naman ang nakamit nina Aldrin Ace Dimaranan, Roberto Madera Jr., at Kim Bryan Pasencia sa kategoryang Best Conference Research Paper ng na...