Balita || Dinglasan, Aspa nag-uwi ng gintong medalya Sumungkit ng gintong medalya sa mga pambansa at panrehiyong kompetisyon ang mga miyembro ng Technology Advocate na sina John Kirby Dinglasan, Chief Photojournalist, at Andrea Nicole Aspa, Chief Artist. Pinagharian ni Dinglasan ang isinagawang pambansang patimpalak sa pagkuha ng larawan sa State University and Colleges Fair 2022 sa kategorya ng inobasyon na may temang “Promoting Innovation, Entrepreneurship, and Culture and Arts for National Development a...