Mon | December 10, 2018, 5:59 am
No. of Site Visitors: 1594584

 

 

 

 

 

 

 

 

 


September 18, 2018   Siniloan Campus   Campus Wide


Home/ News & Articles/ Nationwide drug test, inilunsad sa LSPU

ni Mark Joped Laminero

Alinsunod sa Resolusyon ng Lupon Blg. 1362, Serye 2017, isinailalim sa mandatoryong pagsusuri sa droga ang mga magaaral ng Laguna State Polytechnic University - Siniloan (Host) Campus.
Ang LSPU ang kauna-unahang pamantasan sa Region IV-A na na kapagpatupad ng mandatoryong pagsusuri sa droga.
Ang mandatoryong pagsusuri ng droga ay isinama sa Physical Examination ng mga estudyanteng nakatakdang magpatala sa nasabing pamantasan.

Ayon kay Rodolfo B. Valdenarro, Jr., chairperson ng OSAS, ang mga estudyanteng nagpositibo sa droga ay papayagang magpatala.
“Sabi ni CHED memo, tanggapin mo ‘yung bata kahit postive. Dahil bibigyan mo dapat sila ng chance para magbago,” ani Valdenarro.
Ang mga estudyanteng nagpositibo sa droga ay sasailalim sa isang intervention program na isasagawa ng pamantasan. Sila ay bibigyan ng pagkakataon na makapagbago habang sila ay nag aaral.
“‘Yun ngang mga nahuhuli [at sumusuko] na mga adik sa mga drug operation ay binibigyan pa ng gobyerno ng rehabilitation program, how much more pa kaya para sa ating mga estudyante?” pagtatapos ni Valdenarro.